Lazy Lingo

Inilaan ko ang Linggong ito, tulad ng maramimg weekends na dumaan, para sa aking bunsong anak na si Kastiel. We didn’t do anything special. Pero I made a little effort to make this day a bit different from the others.

Nag-almusal kaming mag-asawa at Dominic nang 8am. Ham Sandwhich with cheese ang almusal namin. Kasabay ng malamig na malamig na orange juice. Not typical kasi madalas, sinangag, egg at something fried ang breakfast namin.

By mid-morning, pinaliguan ko si Kastiel, hindi sa banyo kundi, sa harap ng bahay. Nilabas ni yaya She ang isang planggana, tabo, balde at bathroom essentialsl. Sobrang saya ni Kastiel. Naglaro siya, nagbuhos ng tubig at nagtitili habang hinahampasan niya kami ng tubig. Nag-enjoy naman ako kahit basang-basa na ako.

20120812-173240.jpg

Naglaro din kami ni Kastiel nang mga toys gaya nang “tools” at toy cars niya.

20120812-173428.jpg

20120812-173447.jpg

Sinilip ko rin ang mga alaga kong halaman. Meron akong okra lettuce at pechay sa home-made greenhouse ko. Recently, napeste ang okra ko kaya medyo pangit ang mga dahon niya ngayon. Full effort din ako sa pagbabantay kasi sa laki nang butas ng mesh sa greenhouse, wala na siyang silbi. Hindi naman niya naproprotektahan ang mga halaman. Pero okay na rin kasi atleast, yung mga malalaking predators hindi nakakapasok sa loob.

20120812-173625.jpg

20120812-173637.jpg

Meron din akong tanim na Aloe Vera. May mga baby na siya sa tabi niya ang I plan to transplant them to another pot pero hindi ngayon. Siguro next weekend.

20120812-173817.jpg

Nagsabog din ako ng madaming okra seeds sa plant box namin na ngayon eh nagsisimula nang tumubo.

20120812-174407.jpg

Simple lang naman ang mga activities ng weekend kong ito pero tinuturing ko pa rin itong achievement sapagkat hindi naman sa lahat ng panahon (lalo na kung weekdays) eh nagagawa ko ang mga ito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s