Boracay Experience

Nagpost lang naman ako sa facebook tungkol sa plano kong mag-diet pero hindi ko alam na tototohanin pala ng kaibigan kong kausap ko doon ang pagsusuot ko ng two-piece soon.

Nagsimula sa isang makasaysayang post na umani ng maraming papuri ang pagpunta ko sa boracay. Ang kaibigan kong si Marie, nagcomment. Nagkapustahan kami na magto-twopiece ako pag pumayat ako. Hindi ko naman alam na uuwi na pala siya after a month sa Pilipinas.

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong inaya sa Boracay. Syempre naman, para sa isang taong gaya ko na umiikot ang mundo sa bahay at opisina, kailangan ko ring magrelax at mag-unwind sa bagong lugar. Kaya naman hindi ko na pinalagpas ang pagkakataon.

Naka-book kami sa flight to Boracay via Zest Air last August 28 to 30. Kalibo route ang itinerary namin. Hindi namin na-realize na super hassle pala ang route na iyon. Ang flight namin is originally at 12:45pm ngunit dahil nag-check ako ng check-in baggage with the airline, nalaman ko na cancelled pala ang flight namin at naka-book kami sa next flight which is at 2:00pm. Buti na lang, binigyan din kami ng pagkakataon na i-rebook ang flight with no extra charge sa mas maagang trip which is at 7:45am. Kung sakaling hindi pala ako nag-inquire tungkol sa Check-in Baggage, hindi ko rin malalaman na na-move ang flight namin. At hindi rin sana namin malalaman until naroon na kami sa airport kung sakali.

So, we were at the airport 2 hours prior sa flight namin. Badtrip pa si Kiko kasi bumili siya ng locks para sa bags namin only to find out na sira yung isang lock na binili niya. So, naiwang unsecured yung bag niya.

We had a hearty but expensive breakfast at the airport. A meal of one viand and one rice costsP150. Hindi masyadong practical. However, nagkaroon naman kami ng moment to bond with Marie’s Australian fiance, Dave. Kahit medyo duguan na ilong namin, sige at practice pa rin ng ingles.

Image
Waiting at the Airport with Kiko and David

We boarded the plane at around 7:15am. Hindi naman masyadong nakakainip ang paghihintay namin. Mas nakakainip pa nga ang paghihintay ko sa pagupload ng picture dito. (hehehe!)

Image
Boarding at the Manila Domestic Airport

In fairness naman sa Zest Air, on time naman ang pag-alis namin. Hindi rin naman masyadong nakakainip ang byahe dahil in less than an hour, pa-landing na kami sa Kalibo International Airport. Na-enjoy ko naman ang magagandang tanawin ng ulap at ga-tuldok na mga bahay sa isla ng Luzon at mga karatig-isla nito. Natagalan lang kami sa paglanding kasi medyo malayo ang inikutan ng eroplano.

Image

Image

Image

Image

Image

Mabilis lang naman ang check-out namin pagdating sa Kalino airport. Hindi ito kasing arte gaya sa NAIA na andami-dami pang mga che-che-bureche. Hindi rin kami masyado nagtagal sa Kalibo dahil naroon na rin at naghihitay ang sundo namin na Island Star Express.

Image
Souvenir Shop at the Kalibo Airport.

Pinasakay kami sa isang malaking aircon bus papuntang Caticlan Ferry Port. It was a pretty long 2-hour drive. Pero hindi na rin namin naramdaman dahil nakatulog kami sa byahe.

Pagdating namin sa Caticlan Port, siningil kami ng fees then agad naman kaming pinasakay ng Ferry. Medyo na-seasick lang ako sa gewang ng ferry boat habang nakaparada siya pero hindi ko iyon ininda sapagkat excited na rin akong makatuntong sa isla ng Boracay. The ferry ride took us about 15 to 20 minutes lang naman.

Image
Ferry ride to Boracay Island

Pagdating namin sa Boracay island, Sinalubong na naman kami ng mga panibagong vans going to our Hotel. The drive was a quick 15mins travel.

Medyo hassle na lang nang makarating kami sa Hotel. Sa La Carmela de Boracay kami naka-book. Andaming guests na kasabayan namin ang nakaabang sa reception para magcheck in ng luggage at kumuha ng rooms. Siningil na naman kami ng Hotel ng P4,000 para sa dalawang rooms. Surety deposit daw iyon na refundable naman upon check-out. We were served our welcome drinks pero hindi pa kami allowed mag check in kasi 2pm pa raw ang check-in time. Mga 12:00pm or 1:00 pa lang ata yun. Dineposit muna namin ang gamit namin at nagliwaliw muna kami.

Image
At D’mall with husband, Kiko

Nilakad namin ang stretch ng Boracay to find D’mall. Medyo napagod nga ako sa kakalakad namin. Cluster siya ng mga shops at restaurants. Parang nasa siyudad ka rin. HIndi ko napigilang ihalintulad ito sa White Beach, Puerto Galera kung saan kaming mag-asawa ay madalas na nagpupunta noong hindi pa kami kasal. Mas maganda lang dito sa Boracay at mas ayos ang kapaligiran pero hindi naman ito nagkaka-iba. Kumpleto pa rin sa mga activities at kung anu-anong pwedeng kainan. Hindi ako masyadong natuwa. hindi rin ako makapaniwala na tinagurian itong ranked 1 sa best destinations ayon sa isang website.

Marahil siguro dahil naroon kami sa lugar kung saan maraming tao at kawing-kawing ang mga restaurants.   Parang hindi rin naman ako lumayo mula sa syudad dahil ang mga arkitektura naman dito ay classy talaga. Of course, classy is equivalent to pricey. Medyo nakamura na rin kami siguro sa La Carmela de Boracay pero ang walkathon naman para makapunta sa kabihasnan eh mala-mountain climbing sa layo.

Pagkatapos naming kumain at umikot para bumili ng swimsuit, board shorts at bag, bumalik na kami sa hotel kung saan ready na ang aming kwarto.

May kalakihan ang gusali ng La Carmela at sa hitsura nito, talagang na-maximize ang space ng property. May daan-daan sigurong silid ang naroroon. In fariness naman, may elevator din sila kaya kahit na nasa 3rd floor kami, hindi naman hassle ang pag-akyat panaog.

Malinis at simple ang mga kwarto. May dalawang double-sized bed ito na pinagtabi namin. May maliit na balcony, may cabled TV, airconditioning unit, cabinet at refrigirator. Kung hindi ka masyadong picky, pwede na ito. Mas maganda naman ito kesa sa ibang cheap accommodations na alam natin.

Nang makapagpahinga, nagbihis naman kami para mamasyal at mag-dinner. Dito kami nagkaroon ng pagkakataon na tumambay sa poolside ng Hotel. Maganda tumambay dito. Madaming makikitang tao, maganda rin ang service ng staff nila at dito rin kasi ang may wifi access kaya todo naman ang post ko ng photos sa instagram.

Image
La Carmela de Boracay Hotel Poolside (L-R Kiko, David and Marie)

After namin tumambay sa poolside, inexplore naman namin ang dagat ng Boracay. Hindi na kasi masyadong mainit nang bandang hapon kaya malaya kaming naglakad-lakad at nag picture-picture.

Image
Boracay Beachfront with Dave and Kiko

Dito ko talaga nakita nang malapitan ang sand ng Boracay. Kakaiba talaga siya compared sa ibang beaches na napuntahan ko. Mala-powder and sand nito at fine. HIndi siya ganoong kaputi gaya nang naiimagine ko. Parang mas maputi pa ata and sand sa Bantayan Island sa Cebu. Pero ang ikinamangha ko ay ang linis ng kapaligiran. People literally respect the place at walang mga nagtatapon ng basura kung saan-saan.

We watched the sunset then we head on sa next destination namin, which is at Villa de Oro. We claimed the free meals kasama ng package namin. We were given a choice of one grilled viand at rice. We picked 3 liempo at isang chicken barbecue to complete the four meals. Um-order din kami ng extra food at cocktails.

Grill at Villa de Oro

Karaniwan sa Boracay ang mga buffet at sa Villa de Oro, Korean food and sine-serve nila. Marami silang customers na Korean. Actually, naglipana ang mga Koreans sa Boracay. Para silang lumabas sa isang fashion magazine sa mga bihis nila. Sila ata nagpauso ng todo-porma sa lugar na ito kasi hands-up talaga ako sa fashion statement nila. Heels kung heels. Dress kung dress. Anyways, dito nga sa Villa de Oro, hindi namin masyadong trip ang food. Isa pa, ang pobreng food server namin na nakatikim ng maaanghang na salita mula kay Marie ay walang isang beses ata, sa bawat lapit niya sa amin, e hindi nagkakamali. Nariyan ang mali ang pagkakaexplain niya ng mechanics ng free meal namin tapos malabo rin ang pagkaka-explain niya ng buy one, take one cocktails namin, tapos natapon niya yung sawsawan ko sa table (and many more). Nag-fire up si Marie at napagalitan niya yung batang server which happened to be on his on the job training. Later naman nagsorry si Marie kasi kawawa naman yung bata. Pero the kid, super humble at sinabi pa niya na “kasalanan ko naman po”. Binigyan namin siya ng tip before kami umalis. Laging nagli-linger sa mind namin ang quote na “Never mess with the person who serves your food.”

After dinner, naghanap naman kami ng maiinuman namin. Sa dami ng bars na naglipana doon, mamimili ka na lang ayon sa budget mo. Kami naman, for one, we considered the ambiance then the price. May nakita kami na isang bar na may acoustic. Relaxing ang ambiance nila.  By the beach with tables covered with black linen and candle light tapos may mga hanging lamps at christmas lights na yellow. May drapes of white cloth ang ceiling. Ang mga guests nila puro foreign from white to Asian. May hispanic pa ata. Pinili rin namin ito para hindi naman masyadong stand-out ang pagkaputi ni Dave. Nahabol din namin ang Happy Hour nila which will end at 9:00 pm. Ang presyo ng Tanduay Ice ay P35.00 per bottle. Magiging P70.00 ito pagkatapos ng happy hour. We ordered 3 rounds.

I can’t remember the name of this place. With Marie and David, Kiko and I.

Pagkatapos namin uminom, magpakabinge, mapaos at mag-nosebleed, umuwi na rin kami sa hotel and we called it a day.

The next day, nag-effort kaming gumising sana ng maaga, mga 6am para panoorin ang sunrise pero nagising kami ng 7:00am. Medyo pagod at puyat kasi kami. Nadatnan namin si Marie at David na nagbre-breakfast na sa poolside. Nagbreakfast na rin kami ni Kiko. May free breakfast kasing kasama yung package. We had Corned Beef, Eggs at rice. Then naglakad-lakad kami sa tabing-dagat para maghanap ng murang Island Hopping, Snorkeling at Helmet Diving package. Nakilala namin si Kuya.  He offered P500.00 per pax for the four of us. Mura siya compared sa peak season na P600.00 per pax, helmet diving pa lang.

Umalis kami sa Boracay ng mga 7:30am to 8:00 am. Tapos kung saan-saan pa kami nagpunta. Ibinaba namin si Kuya sa isang Island kasi dun daw siya nakatira at doon din kami bumili ng tinapay para sa fish feeding. Naiwan na lang yung dalawang tauhan niya para samahan kami.

After doon sa bahay ni Kuya, dumiretso na kami sa Snorkeling. Nadaanan namin ang Crocodile Island na hugis Crocodile nga naman. Hindi ko siya nakuhanan ng picture. Sorry.

Saglit lang nasa Sactuary na kami. Si Kiko, kating-kati na magfishing/trolling pero bawal daw doon. So nag-snorkeling na kami. Hindi makukulay ang corals pero yung mga isda ang colorful at ang dami-dami.

Kiko and Dave

Kiko Snorkeling

 

After namin mag-snorkeling, nagpunta naman kami sa Site ng Helmet Diving. Excited ako kasi first time ko itong gagawin pero hindi ko akalain na ito na rin ang last time. We were briefed sa mga hand signals at kung ano ang gagawin namin. The guide stretched on the importance of depressuring. Yung tipong  hold your nose and try to breath out sa tenga. Nagpractice ako nsang nagpractice pero hindi ko naman alam kung tama ang ginagawa ko. After a few minutes, pinasuot na kami ng Aqua Shoes at dinagdagan pa ako ng sinker in a form of belt bukod pa sa 25 kilo na helmet dahil baka lumutang daw ako (dahil chubby-sexy ako, hehehe!).

So may butas doon sa floating station nila na may hagdanan pababa. Pina-descend muna ako sa hagdan bago isinuto sa akin ang helmet. Hindi naman ako nabigatan. Tapos yung diver, he led me to the bottom of the ocean. mga 18 to 20 ft below sea level. Doon ako nagsimula magpanic. I was afraid na baka tumumba ako or mag bend over at pasukan ng tubig yung helmet ko dahil sa sobrang sakit ng tenga ko. It was the most painful experience I had. Parang sasabog ang tenga ko. I signaled my hand sa diver na there’s a problem pero he kept on saying just depressurize. Hindi ko alam gagawin ko. Feeling ko katapusan ko na. It was the longest 3 or 5 minutes of my life. Iniwan ako ng diver sa baba para kunin si Kiko sa taas. I tried swallowing at mas effective ito para tanggalin yung pressure sa tenga ko at dahan-dahan naman nawawala ang sakit.

Nang makumpleto na kaming apat sa baba, the diver started taking pictures. I’m having fun na apero my problem naman is how to keep my self sa bottom kasi medyo nadadala kami sa current ng water although hindi naman ganoon kalakas. Medyo nahihirapan lang ako sa pagbabalance. Pinatayo kami, pinaluhod, pinakain ang fish at naglapitan naman sila. We tried to grab them pero ambilis nila lumangoy.

The four of us
Kiko and I
Kiko
Ako

 

After ng picture-picture at video, agad na rin akong nagpaakyat sa diver dahil medyo hindi nga ako kumportable. Si Marie ayaw pa sana umakyat pero hinila na siya ng diver paakyat. Isa pa, may nakapila rin after namin kaya siguro minamadali na rin kami. Mga 10 minutes lang ata kami sa baba. Hinintay lang namin matapos ang pagburn nila ng CD then umalis na kami para sa tour naman around the Island of Boracay.

Sinimulan na ni Kiko i-set ang pang-trolling niya. Pinahiram siya ng Kuya ng gamit dahil ang dala ni Kiko na lures at fishing line eh hindi pwede sa Salt Water. Mas makapal daw yata pag sa salt water kasi mas malalaki ang mga isda na pwede mong mahuli dito. Pinahiram si Kiko ng home-mad lure na may hook at may skirting na straws. Tapos nylon ata yung line na ginamit niya na naka-roll sa kahoy. Ki-nast ni Kiko ito, siguro may 20 meters ang haba ng line niya at umaandar lang ito kasabay ng boat namin.

Marami kaming nadaanang magagandang beach front. Mapuputi at yung iba, parang wala halos nakatira. Yun daw ang Station 1 sabi ni kuya. Layo-layo ang mga resorts at classy kung titignan. Makikita mo yung kakaunting tao na naroroon ay nagsnorkeling sa tabing dagat. Marahil ganoon kalinis at ka-untouched ng shoreline nila. May daanan kaming mga rock formation at grupo ng mga nagpa-parasailing at banana boat. Sumabit pa nga yung hook ni Kiko sa isang banana boat sakay ang mga koreans so we had to stop para tanggalin yung pagkakasabit. I wonder kung nadeflate yung banana boat.

 

 

 

 

Maya-maya lang naramdaman na ni Kiko na may pumapalag sa line niya. He knows he caught a fish. Nagslow down ang boat namin at ni-retrieve niya ang line. Habang papalapit ang isda, tumalon ito. Kulay silver. Kasing laki ng palad. He continued retrieving until a small “talakitok” fish came out of the water. Voila! Kiko’s first salt-water catch!

 

For an angler’s point of view, catching a fish is enough to call it a day. Malapit na rin kami sa Station 3 noon. Doon kasi ang parking area ng boats. Binigay ni Kiko yung huli niyang talakitok sa bangkero as TIP. We head back to the hotel, 15mins walk from Station 3, then we had a buffet lunch. Mga 12:00pm na rin noon. Merong Pasta, baked Potatoes, iba’t ibang unknown luto ng pork, beef at chicken. May blueberry at Strawberry cheesecake as desserts.  At marami pang pagkain na hindi ko alam pero tinikman ko naman. Hindi nga lang ako naka-round 2 sa sobrang kabusugan ko. Parang hindi ko nasulit yung P270.00 na binayad ko.

TO BE CONTINUED….

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s