Hibla

Sa umpisa’y
hinayaan kong angkinin mo ako
binilang ang bawat hibla ng buhok
sa aking katawan.
Walang salita ang pinaluwal
at tanging pintig lamang ng puso
at pagsalubong ng mga mata
ang pangakong aking pinanghawakan.

Nasundan pa ang paniniig na ito.
Nakaipit pa sa aking kamao
ang pangakong pinaniwalaan ko.

At muli,
kusa akong naghubad ng saplot sa iyong harapan.
Pero bakit wala nang pintig ang puso?
Bakit hindi na nagsalubong ang mga mata?
Ilan nga ba ang buhok sa aking katawan?

Sabi mo, “Ewan ko. Hindi ko alam.”

 

Written by: K. Forcay
August 11, 2002, 11:15pm

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s