Ugat Tambayan

Poem dedicated to UP Ugnayan ng Manulat

Siya’y nagiisa
tahimik na naghihintay sa iyong pagdating.
umaawit sa mga puno’t halaman
umaasa na siya’y tulaan din.

Sa paglipas ng oras
araw ma’y di mapakali
nanabik, kinakabahan
sa iyong pagdating.

Simulan mo nang
ihakbang ang iyong mga paa
Sundan ang ihip ng hangin
Sapagkt ika’y dadalhin nito sa kanya.

Madaratnan mo siyang nakangiti.
Samahan mo siya
at pag aralang mahalin
ang ugat ng lahat sa atin.

Mangarap ka
Pagkat ito lamang ang abot kamay mong magagawa
Kalayaan at kamalayan ang iyong dadalhin
at pag nakilala mo siya
karanasan ang ipapamana niyang sandata
simulan mo na, samahan mo siya.

Sa paglipas ng oras,
bukas palad ka nyang tatanggapin
mahal ka niya kaya simulan mo na
huwag nang magpatumpik-tumpik pa.

At sa iyong pagdating
Ako’y iyong madaratnan doon
kapiling ko siya at ang mga katulad mo rin noon|
buong puso ka naming tatanggapin
at mamahalin.
Simulan mo na.
Samahan mo kami.
Samahan natin siya.

Tama na ang pag-aalinlangan.
Ang takot ay mawawala din.
Madaming naghihiintay sa iyo.
Bahala na lang kung saan tayo dadalhin.

Awitan natin ang kalikasan.
Yaman natin ang ating karanasan.
Abutin natin ang buwan.
Ngayon na natin simulan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s