Time Flies so Fast

This short poem is dedicated to my good friend, Reynaldo Cañete, who passed away recently, June 11,2017

I know time flies so fast

And we’re not gonna last

It’s a cliche old thing

I keep on saying

But feeling is more than just saying

And it comes late when realizing

What we have used to

Will suddenly slew

So random and unexpected

You’ll feel orphaned and devastated

The time you once wasted

Turns golden and sacred

How times flies so fast

And it’s never gonna last

Bring your heart to its bravest

Living life to the fullest.

Advertisements

Raidenxiv

If I could have just one wish,

I would wish to wake up everyday

to the sound of your breath on my neck,

the warmth of your lips on my cheek,

the touch of your fingers on my skin,

and the feel of your heart beating with mine…

Knowing that I could never find that feeling

with anyone other than you.

– Courtney Kuchta –

KikoTin

‘TinKo’ by amr

Original title is TinKo but my husband and I is known being called as KikoTin.

Comes alive an all time novel

One cant help but speak and tell

New age fairy tale story 

Every verse followed by many

Once a princess with fragile heart

Always there’s hurt playing her part

Until came this dear prince charming

Quiet simply sincerely loving

As this gentleman bares richness

His pureheart makes him the fittest

For a lady truly deserves

A genuine care deep thru her nerve

Keeping them strong is their weakness

Tightly they hold facing such tests

Better or worst onward they goes

Coz togetherness both their goals

Showing the world such perfect pair

No words could express love they share

As behind their inspiring bond

Is our Almighty’s caress hand

Mean Tine

A poem written by my cousin, Charles Amor for me

Already heard of this glamour?
That everyones making rumor
Brace yourself guys simply be nice
As she is just, needs not your size

Such plain yet fame this lady has
What’s within her that all must rush
Strikingly when she stares
A look from her is all they care

Beware as she has this armor
One cant easily bring her sore
For she means nothing but kindness
Baring truth, sharing her finesse

Beyond her glow is a true heart
Sparkling goodness from the start
Keep it up girl maintain your mean
Were always here so you can lean

Ugat Tambayan

Poem dedicated to UP Ugnayan ng Manulat

Siya’y nagiisa
tahimik na naghihintay sa iyong pagdating.
umaawit sa mga puno’t halaman
umaasa na siya’y tulaan din.

Sa paglipas ng oras
araw ma’y di mapakali
nanabik, kinakabahan
sa iyong pagdating.

Simulan mo nang
ihakbang ang iyong mga paa
Sundan ang ihip ng hangin
Sapagkt ika’y dadalhin nito sa kanya.

Madaratnan mo siyang nakangiti.
Samahan mo siya
at pag aralang mahalin
ang ugat ng lahat sa atin.

Mangarap ka
Pagkat ito lamang ang abot kamay mong magagawa
Kalayaan at kamalayan ang iyong dadalhin
at pag nakilala mo siya
karanasan ang ipapamana niyang sandata
simulan mo na, samahan mo siya.

Sa paglipas ng oras,
bukas palad ka nyang tatanggapin
mahal ka niya kaya simulan mo na
huwag nang magpatumpik-tumpik pa.

At sa iyong pagdating
Ako’y iyong madaratnan doon
kapiling ko siya at ang mga katulad mo rin noon|
buong puso ka naming tatanggapin
at mamahalin.
Simulan mo na.
Samahan mo kami.
Samahan natin siya.

Tama na ang pag-aalinlangan.
Ang takot ay mawawala din.
Madaming naghihiintay sa iyo.
Bahala na lang kung saan tayo dadalhin.

Awitan natin ang kalikasan.
Yaman natin ang ating karanasan.
Abutin natin ang buwan.
Ngayon na natin simulan.

Pantasya

Rosas na busilak
taglay mong halimuyak
sana’y maarok ang puso
ang lalaking sinisinta ko.

Pagkat kanyang isinasantabi
ang dalisay na pag-ibig na alay ko
isang busilak na rosas ang ipinaanod
sa agos ng tubig ilog.

Ito ay aking pinuno ng halik at pangarap.
Luha, titig, tula
tanong, pintig ng puso’t musika.
Umaasa ako na sa pagpapalaya ko
ng rosas sa agos ng tubig
ay makarating sa kanya ang aking damdamin.

Tila isang pantasya
Sa gitna ng pagpapahinga
Isang rosas na pula ang natagpuang
inanod sa pampang.
Isang pulang rosas na puno ng
halik at pangarap,
luha, titig, tula
pintig ng puso, musika’t
pumpon ng mga salita –

“Minamahal Din Kita”

Para Sa Iyo, Aking Pag-ibig

Kung ang tabing ay humarang sa aking huling araw
at ako’y dahan-dahang dapuan ng panglaw
Tandaan mo itong sasambitin ko mula sa puso
Ikaw lamang ang bukod tangi kong pagsuyo.

Hindi natin malalaman kung kailan darating
Kung kailan sasapit sa buhay ang taning
Kung kailan ang makulay ay magdidilim.
Kung kailan ang ulap ay maglilimlim.

Kaya naman bago pa sumapit ito.
Pangungunahan ko nang sabihin sa iyo.
Ang katotohanang laman ng aking puso.
Na ang bawat tibok ay sigaw ang ngalan mo.

Sa haba ng panahon na ika’y aking kapiling.
Walang hanggang kaligayan ang ating narating.
Na sa bawat paggalaw, animoy magkaritmo
Ang ating damdami’y itinali ng husto.

Tandang-tanda ko nang una kang masilayan
Ang iyong ngiti at biloy ay malinaw sa ‘king isipan.
Marahil sa aking pagtanda, siya rin ang aking  matatandaan.
Sapagkat kung paano tayo nagsimula, iyon ang dahilan.

Sa paglipas ng panaho, kahit ako’y nakapikit.
Tandang-tanda ko ang yakap mong mahigpit.
Ang lakad mo, ang mukha, iyong mga labi at mata
Halos lahat sa iyo’y sa puso’y nakatanim na.

Hindi ko mababatid kung kailan nagsimulang
Matutunan ko’ng ang kilos mo’y aking matandaan.
Kung kailan nagsimulang mabaliw ako sa iyong amoy.
Kung kailan ang pag-ibig ko sa iyo’y tuluyan nang dumaloy.

At sa bawat araw sa aking buhay ay lumipas,
sumpa ko sa iyo ang pag-ibig kong wagas
na hindi mababawasan sa habang panahon
hanggang sa ako’y tuluyan nang kunin ng Panginoon.

Kung kailan ko ito sinulat, isusumpa ko sa iyo
na hanggang sa araw ng aking pagpanaw, ito pa rin ang sambit ko
ang pagmamahal ko sa iyo ay dalisay na totoo
iniaalay ko sa iyo ang huling hininga ko.

 

Her Smile

She was mine
and my heart jumps everytime I see her smile
I would start to talk about the good things
she had caused in my life.
She was there listening intently to every word I say.
She would stare at me with that sweet smile.
I can’t help but press my lips against her.
Then she would smile.

And still she smiles.
When I said I’m sorry that I took for granted her.
She told me the things she longed to feel from me
that I forgot to do when I’m with her.
But still she smiles and listen to every word I say
about all the good things she had caused in my life.

She smiles while she listens to every word I say
about all the good things in my life.
She was my inspiration.s I finished my story, she smiled.

Then she started her story with a smile.
She told me how happy she felt when she met a guy.
A guy who listens to every word she says
and would smile back as she tells her story.
as she tells her story.

She smiled when she told me it wasn’t my fault.
And she have to leave me now because she found someone
who would listen to her story
about the good things in her life that he had caused.
I let her go.

I saw her today.
How I long to touch and kiss her like I used to do before.
I saw her eyes smile while she tells the guy beside her
all the good things in her life that he had caused.

Pipi

Marahan ang pagdaloy ng aking mga luha.
Matatalim ngunit ang pagdaloy ay payapa.
Ito and bukod tangi kong saksi sa aking paghihinagpis
nang ako’y saktan mo nang labis.

Harap-harapan kung ako’y iyong pagtaksilan.
Sa pag-ibig at respeto’y ako’y pinagkaitan.
May narinig ka bang sumbat mula sa akin?
Wala!
Pagkat dulot mong sugat ay matagal nang kinikimkim.

Hayan ka na naman, ako’y muli mong sasaktan.
Hindi man pisikal, puso nama’y niyuyurakan.
Luha ang karamay sa bawat paghikbi.
Bibig ma’y nakatikom, damdami’y nama’y nagsisidhi.

Hanggang kailan magtitiis itong aking puso?
Sadya na bang pipi ang dila kong ito?
Kailan kaya ang panahon na ang poot sa iyo’y maihayag?
Oo, Pipi ako pero hindi ako bulag.

by: K. Forcay

Hibla

Sa umpisa’y
hinayaan kong angkinin mo ako
binilang ang bawat hibla ng buhok
sa aking katawan.
Walang salita ang pinaluwal
at tanging pintig lamang ng puso
at pagsalubong ng mga mata
ang pangakong aking pinanghawakan.

Nasundan pa ang paniniig na ito.
Nakaipit pa sa aking kamao
ang pangakong pinaniwalaan ko.

At muli,
kusa akong naghubad ng saplot sa iyong harapan.
Pero bakit wala nang pintig ang puso?
Bakit hindi na nagsalubong ang mga mata?
Ilan nga ba ang buhok sa aking katawan?

Sabi mo, “Ewan ko. Hindi ko alam.”

 

Written by: K. Forcay
August 11, 2002, 11:15pm